Posted by: pilyangpasaway | December 6, 2007

Demonyong Sira-ulong Manyak.

Proud ako sa pagiging bisaya ko, sarap mag post in visayan dialect, kaya may ginawa akong subdomain which is pilya.wapita.ph.gd. Welcome lahat dun, hindi ako mataray. Link kau kung gusto nyo thru my cbox there. Thanks. -)

- – -

Pagkatapos ng class ko sa CC nag commute na agad papuntang BDO para mag deposit, tumungo sa National Bookstore para masilip ng konti ang bukas na aklat ni Bob Ong — Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino? Mga ilang pages lang at tinapos pinutol ko na ang pagbabasa dahil sa nag-iingay kong tiyan. 12 noon na pala. .

Jollibee was just across NB kaya nag take out na lang ng meal, umalis na at pumara ulit ng jeep pauwi.

Mga dalawang blocks galing sa lugar na pinarahan ko may sumakay na isang lalaki — may dalang napaka-gaang-pack-back (kasi kung titignan mo, flat lang at walang halong force na galing sa kamay gaya ng ibang taong nagdadala ng mabigat na bag), so parang pampa-epek lang yung dala nya sa kung anumang karumal-dumal na bagay ang gagawin nya — patago man o hindi. Una mo pa lang makikita, kadu-duda na ang mukha at kilos.

Ang haba ng description ko sa kanya, meron pa.

Ayun, umupo sa bandang kaliwa ko, inangat konti ang kanang kamay, man-chansing ata. Takte, kakainin kita ng buhay eh, gutom na ako! Nag straight body naman ako bigla (kasi mahilig akong naka-slouch o naka-yuko pag umupo at nagpapahiwatig lang na insecure o unconfident ang isang tao na gaya ko) para magkaron naman ng konting respeto.

Unti-unti nang napupuno ang jeep kaya medyo masikip na at nagsimula na ang krimen — naiinip na ako sa kalikutan nya kasi lagi nyang tinatago right hand nya (ewan ko kung saan pupunta kamay) gamit ang bag — tinitingnan ko sya head to foot na parang mukha na alam ang ginagawa nya, at alam ko naman kahit hindi ko nakikita — nagma-mastur*b8 na. Tae. Yun nga lang ang mga ibang pasahero — apathetic, di alam anong nangyayari. Putek.

May pumarang lalaki sa unahan at sasakay, ito naman si busy-sa-ritual-na-demonyong-sira-ulong manyak eh inextend ang legs nya para saktong walang magbabalak uupo sa gitna namin! Bwisitt naman toh oh. Tahimik lang ako, pero nagbabalak ng bababa at nag-iisip anong gawing alibi ko. Takte.

Isang nanay ang pumara nanaman at umakyat sa jeep, namanyakan nanaman siguro ang kumag kaya dali-dali niyang nilagyan ng space pero huli na kasi may nakitang ibang bakanteng upuan si ale. One last sign at bababa na talaga ako, ang lakas na ng kutob ko taragis.

Nung pinasakay na ng kunduktor ang bakla at bigla nyang nakita ang ginawang space ng manyak, at yun nalang talaga ang bakante, dali-dali na namang inextend ni manyak ang legs nya — oh ano, sign na ba toh na tama kutob na nagpapantasya sya sa katabi nya at kung anu-ano pa?! Di na ako nagdalawang isip, “may nakalimutan lang,” alibi ko at madaling bumaba ng jeep at pumara ng iba. Taenang yun, dinadamay oras ko. Bwisit.

Talaga namang masasabi ko na manyak yun kasi nakasakay ko na din yun eh! Lumipat ako ng ibang upuan siyempre para matandaan ko mukha at features ng demonyong sira-ulong manyak na yun. At may biniktima pang iba, ewan ko ba, sobrang tanga ng mga nabibiktima nya takte sobra. Kaya nga tnga.

Sana araw-araw kong dinadala digicam ko (at mag-ala Jon Cabron) para makunan yung demonyong sira-ulong manyak na yun (kung sakaling parehong jeep sasakyan namin) at mareport ko sa police kung pwede. At least kasi may nagawa akong justice. Alam ko alam mo ang salitang yan, matalino ang nagbabasa eh.

Salamat sa matiyagang pagbasa ng post na toh. Nasabi ko rin sa wakas.


Responses

  1. [...] Weng of Pilyang Pasaway [...]


Leave a response

Your response:

Categories